NEW YEAR'S RESOLUTIONS
ni Paolo Manalo
Di na iinom
Ng tubig, kakain na lang ng yelo.
Magke-care-giver in four gives.
Mangfa-five-six ng nang-wa-one-two-three.
Manghe-hello ng call center rep.
Manggu-good time sa bad trip.
Magpaparebond, magpapaputi
Ng uwak at isasali ito sa Starstruck.
Mananalo pagkat walang talent,
Mataas lang ang mga pangarap.
Sa wrong timing, sasalisi.
Sa mga bulag magpapapitik.
Magpapasipa sa pilay,
Mananabunot ng kalbo.
Magpapa-land ng flying kiss
Sa iyong pisngi, sabay daplis.
Hindi na, di na talaga!
Past tense na ang love:
Minahal kasi, expensive na.
TRESE Book 7 launch at MIBF 2019
5 years ago
No comments:
Post a Comment